Home NATIONWIDE Higit P392K illegal na droga nasamsam sa QC buy bust

Higit P392K illegal na droga nasamsam sa QC buy bust

91
0

MANILA, Philippines – Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL Melecio Buslig, Jr ang 15 buy-bust operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 26 na drug suspects at pagkakakumpiska ng P392,360.00 halaga ng iligal na droga.

Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa buong Metro Manila, alinsunod sa direktiba ni PBGEN Anthony A Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO.

Ayon sa QC police, ang Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa ilalim ni PLTCOL Rolando B Baula ang nanguna sa mga operasyon kung saan naaresto nila si Ali Estalilla, 51, residente ng Brgy. Payatas A, Quezon City at Ramon Victor Calipay, 24, residente ng Brgy. Commonwealth, QV noong 2:00 AM ng Disyembre 4, 2024 sa kahabaan ng isang Alley sa Rosal Extension, Brgy. Payatas A, Quezon City matapos iulat ng isang concerned citizen ang ilegal na gawain ng mga suspek.

Sa operasyon, umaktong poseur buyer ang isang pulis at bumili ng P300 halaga ng shabu mula sa suspek na si Estalilla at sa pre-arranged signal, naaresto ito kasama ang kanyang katropa na si Calipoy.

Nakumpiska sa kanila ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00, isang cellphone, coin purse at ang buy-bust money.

Kaugnay nito sa isa pang operasyon, naaresto rin ng parehong mga operatiba ang suspek na si Antonio Ramirez, 64, at residente ng Brgy. Payatas, Quezon City dakong 6:20 PM ng Disyembre 4, 2024 sa kanyang tirahan.

Nakuha sa kanya ang 7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.00, isang cellphone at ang buy-bust money. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here