MANILA, Philippines – Walang bagyong papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na limang araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes, Disyembre 6.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na hindi nito inaalis ang posibilidad ng low pressure area na mabuo kasama ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa silangan ng Mindanao sa mga susunod na araw.
Ayon sa ahensya, ang ITCZ ay ang lugar kung saan nagsasalubong ang hangin mula sa northern at southern hemisphere na nagdudulot ng weather systems gaya ng LPA at bagyo.
Sa kasalukuyan ay shear line at northeast monsoon o amihan ang umiiral partikular na sa hilagang bahagi ng Luzon. RNT/JGC