Manila, Philippines- Umiiyak na nagpa-exclusive interview si Maris Racal kay Ganiel Krishnan ng ABS-CBN para ilahad sa public ang side niya ng story in relation sa nag-viral na screenshots kamakailan mula sa Instagram story ng ex-gf ng kanyang onscreen partner and rumored boyfriend na si Anthony Jennings.
Ayon kay Maris, dahil sa pagiging sweet ni Anthony ay nagsimula siyang magka-feelings dito simula nu’ng June 2024, na inamin niya sa ex-bf na si Rico Blanco kaya sila nag-break.
Ang pagkakaalam ng young actress ay single umano si Anthony.
“God knows I asked him so many time,” sey niya.
Dahil lang daw sa pamba-bash sa kanya nang walang humpay after kumalat ang SS ng conversation nila ni Anthony ay napagtagpi-tagpi niya ang lahat.
Hindi man diretsahang binanggit, ang essence ng side ni Maris ay pinagsabay sila ni Anthony ng ex-gf nitong si Jam Villanueva.
Pero maraming netizens ang hindi bumili sa kwentong ito.
Pinamukha nila kay Maris na noong June 28 kung kailan hindi pa naman nangyari ang claim ng Incognito actress na sinabihan siya ni Anthony na break na sila ni Jam, eh, nakasaad na gustong ipabura ng aktres ang messages nila ng onscreen partner sa isa’t isa.
Ito ang ilan sa top comments ng exclusive interview ni Maris na uploaded sa ABS-CBN News YouTube channel with more than 700k views as of writing.
“It doesn’t add up Maris,” sey ni user @aworldfullofjoyce.
“You’re not sorry. You’re just sorry you got caught. The end,” sey ni user @mabelkinkito2206.
“Being sad doesn’t mean you have the right to cheat,” sey ni user @allysiabientan.
“I feel gaslighted and manipulated watching this. No accountability at all,” sey ni user @mrllandrs.
Sa bandang huli, sinabi ni Maris na ang epekto nito sa kanya ay para siyang lumalakad nang hubo’t-hubad habang pinagtitinginan nang mga tao dahil sa kahihiyan.
” I’m still looking for that little girl inside of me. It’s hard to look for her now. But someday, I’ll get to find her,” sey ni Maris na may bahid ng pag-asa na huhupa din ang lahat. Trixie Dauz