Home NATIONWIDE Mga opisyal na sangkot sa Malampaya deal nais panagutin ng senador

Mga opisyal na sangkot sa Malampaya deal nais panagutin ng senador

101
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros nitong Biyernes, Disyembre 6 na mas marami pa ang panagutin sa kontrobersyal na pagbebenta ng shares ng Malampaya sa businessman na si Dennis Uy.

Ang panawagan ni Hontiveros ay kasunod ng sinabi ng Office of the Ombudsman na nakitaan nito ng sapat na batayan sa paghahain ng reklamo laban kina dating energy secretary Alfonso Cusi at 11 iba pang opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa pagtulong sa kontrobersyal na pagbili ni Uy ng 45 percent stake sa Malampaya Gas Project.

“I welcome the Office of the Ombudsman’s move to charge former Energy Secretary Alfonso Cusi and 11 others with corruption over the Malampaya deal, but I believe people higher up in the bureaucracy should also be held accountable,” pahayag ni Hontiveros.

Aniya, ang paglilipat ng Malampaya gas project sa mga kompanya ni Uy ay may kasamang high-level coordination.

Ang pagbili ni Uy ng shares ng Chevron sa Malampaya noong 2020 ay sinundan ng pagbili nito ng 45 percent stake ng Shell noong 2022. Nagresulta ito sa government-owned PNOC-EC na magkaroon ng 10 percent interest.

Dagdag pa, kinwestyon ni Hontiveros ang pagiging epektibo ng 2021 Murang Kuryente Act, batas na ipinasa sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapababa sa halaga ng kuryente sa paggamit ng Malampaya funds para tugunan ang utang ng energy sector.

“While PSALM (Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation) may have benefited from an annual PHP8-billion appropriation, did this translate to lower electricity costs for consumers?” tanong ni Hontiveros.

Aniya, dapat na panagutin ang lahat ng senior officials na sangkot sa “misuse of public resources.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here