Manila, Philippines – Lately ay very visible ang businessman, socmed personality and talent manager na si Wilbert Tolentino sa iba’t-ibang lugar ng Pinas.
FYI, si Wilbert o si Mr. Kabuhayan ang first nominee ng Ahon Mahirap partylist kaya lagi siyang visible.
Sa ngayon ay maraming netizen ang nagtatanong kung ngayon lang ba siya tumutulong sa tao?
Namimigay kasi ng food stall na kabuhayan si Wilbert at nitong nakaraan nga ay namigay din ng e-trike sa iba’t ibang barangay sa Malabon City.
“Dati na pa akong tumutulong, noong 2013 pa.
Naniniwala ako sa magandamg puso natin and gaya ng nga nakakasalamuha ko ngayon, galing din ako sa mahirap.
“14 years old ako noon and tagalinis ako ng kubeta sa Ongpin. Nagbenta rin ako ng prutas at mani,” sabi pa niya.
FYI, si Wilbert din ang nasa likod ng career ng aktres na si Herlene Budol.
“Formet manager na ako ni Herlene pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya iniiwan at ganu’n din naman ang gagawin natin sa mga tinutulungan natin ngayon na nasa laylayan ng lipunan. Hindi ko rin sila iiwan,” paliwanag ni Wilbert. JP Ignacio