Home ENTERTAINMENT Yen, nanganak na?

Yen, nanganak na?

Manila, Philippines – Kelan nga ba nabalitang break na sina Paolo Contis at Yen Santos?

Was it just a few months back?

O noong isang taon? Or three years ago?

Mahalaga kasing analisahin ang timeline involving them.

Ang latest kasi ay ang kumakalat na tsikang Yen gave birth last month.

At ang itinuturong ama ng sanggol ay ang Kapuso actor.

Assuming matagal na silang hiwalay, at ipagpalagay na nating kay Paolo ang bata–paanong naitago ‘yon ni Yen all this time?

Kung kelan pa sila break ay saka pa kumalat ang tsika–bakit hindi noong kasagsagan ng kanilang relasyon?

Kung babalikan natin ang timeline, taong 2021 nang paghinalaang buntis si Yen kay Paolo.

Ito ‘yung nag-Boracay sila at naka-loose polo shirt si Yen.

Pero agad ding nag-die down ang buntis isyu sa kanya even if it was the height of their romance.

Bale ba, ang isinilang daw ni Yen nitong November ay second child na raw niya.

Hindi si Paolo ang ama ng bata kundi ang na-link na pulitiko sa aktres.

Matagal-tagal nang nananahimik si Yen, same with Paolo na kung wala pang ginagawang project ay malabong mainterbyu ng press. Ronnie Carrasco III