Home ENTERTAINMENT P400M mansion ni Ivana, galing sa jowa?

P400M mansion ni Ivana, galing sa jowa?

219
0

Manila, Philippines – Kering-keri ni Ivana Alawi na kumita nang isang milyong piso in an hour through live selling.

Vlogging ang isa rin sa mga malakas niyang pagkakitaan.

In fact, nasa No. 4 ang kanyang YouTube channel with 18.5 million subscribers.

May sampung taon na rin si Ivana into online live selling, kung saan sa sobrang lakas nito’y nauubusan siya ng stocks.

P10M ‘ika n’yo? Modesty aside, the Kapamilya actress can earn that figure in just 10 hours!

Ganito nga kagaan ang pasok ng datung kay Ivana kung kaya’t malakas ang loob niyang sabihing hindi galing sa “papa” (na incidentally ay kilalang personalidad) niya ang napapabalitang mansion niya sa Alabang.

Tinatayang P400 million ang halaga ng property na ‘yon na ang titulo’y nasa pangalan na ng aktres.

Mismong ang mga fans ni Ivana ang nagtanggi nito.

Sa dami raw ng pinagkakakitaan ng kanilang idolo ay imposibleng ikalakal nito ang kanyang sarili.

Mahusay lang daw talagang dumiskarte sa buhay si Ivana na naglalaan din ng malaking portion para sa kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here