Home ENTERTAINMENT David, split na rin sa gf!

David, split na rin sa gf!

Manila, Philippines – Coincidence nga lang ba na split na rin si David Licauco sa kanyang mystery girlfriend?

Hindi maiaalis na magkaroon ng “rin” sa nasabing katanungang ito following Barbie Forteza’s decision na makipaghiwalay sa kanyang nobyong si Jak Roberto.

Barbie and Jak were partners sa loob ng pitong taon.

Ginulat ni Barbie ang mga netizens nang inanunsyong hiwalay na sila nitong January 2.

Ang pinag-uusapan naman ngayon ay ang pagiging single uli ni David.

Si David ang katambal ni Barbie sa katatapos pa lang na GMA teleserye na Pulang Araw, followup ng kanilang matagumpay na Maria Clara at Ibarra.

Matatandaang June 25, 2024 nang aminin ni David na “taken” na siya.

Non-showbiz ang sinasabing nobya niya.

Pero nitong December last year ay nag-post ang Sparkle executive na si Joy Marcelo ng larawan nila nina David at Nikki Co, addressing them as “walang nobya.”

Nitong January 1, nag-post si David ng carousel ng mga Instagram photos na may kinalaman sa mga ganap sa kanyang career.

Kabilang doon ang larawan ng mga co-stars niya sa Pulang Araw.

Dahil pareho nang single sa ngayon, lalong tinutukso sina Barbie at David na ang mga ito na lang ang magkatuluyan.

After all, may fan base na naman daw ang BarDa (portmanteau ng kanilang mga pangalan).

Marami ang nagsasabing sa totoong buhay ay mas bagay daw sila kesa sa JakBie.

Ito na nga ba ang susunod na kabanatang aabangan? Ronnie Carrasco III