Home ENTERTAINMENT Mergene, unang nag-propose kay Jose!

Mergene, unang nag-propose kay Jose!

Manila, Philippines – Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa beach wedding din pala mauuwi ang lahat.

Angkop ang slightly altered na kasabihan ng mga matatanda sa kaso ng ngayo’y mag-asawa nang sina Jose Manalo, 58 at Mergene Maranan, 37.

Masalimuot o turbulent nga ang kanilang naging relasyon bago nauwi sa pag-iisang-dibdib sa

Boracay nitong December 17 last year.

Sa kanilang kuwento nang sumalang sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga nitong January 4, inamin ng couple na dumaan din sila sa mga pagsubok.

Hindi man binanggit kung ano ‘yon, muntik-muntikan na palang hindi matuloy ang kanilang kasal.

Humingi lang daw ng sign si Mergene mula sa Itaas.

Hanggang dumating ang 2023, nakursunadahang magpunta ang magkasintahan sa Boracay.

Biniro ni Mergene si Jose na: “Will you marry me?”

Ginamit pa nga niyang wedding ring ang isang piraso ng tsitsiryang Cheese Rings.

Sa madaling salita, it was Mergene who first made the proposal.

Wala itong kaalam-alam na nasa plano ito ni Jose, naunahan lang ang TV host-comedian.

Nais lang palang makasiguro ni Jose sa kanyang planong pakasalan ang nobya.

At ‘yun na nga, sumapit na ang December 17–araw ng kanilang kasal na dinaluhan ng kanilang mga respective families.

Buong puwersa rin ng Dabarkads ay dumalo sa mahalagang araw na ‘yon sa buhay nina Jose at Mergene.

Kadalasan, kailangan nating magmuni-muni bago sumige sa ating mga plano sa buhay.

Nakatulong ang biyahe ng noo’y magnobyo sa Amerika para mahanap ni Mergene ang kasagutan sa kanyang tanong. Ronnie Carrasco III