MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupong manggagawa sa pamahaalan na tanggalin na ang value added tax (VAT) at Excise tax sa petrolyo at umiiral na oil deregulation law na dagdag pasanin ng mamamayan.
Sa isang pulong balitaan,sinabi ni Eli Guzman ng Buklurang Mangagagawang Pilipino na dapat baguhin na ang patakaran sa langis sa bansa .
Aniya ang pagbasura sa dagdag pasanin ng mamamayan ay ang nararapat na tugon sa halip na ituon sa dagdag pasahe ang solusyon.
Sinabi naman ni Elmer Labog g Kilusang Mayo Uno na hindi dagdag-gastusin kundi makataong dagdag-sahod ang dapat ibigay ng gobyerno.
Tinuligsa ng mga grupong paggawa ang Senado at Kamara kaugnay sa Legislated Wage Bill na hindi naisabatas.
Sa Senado ay may isinusulong na 100 pesos na karagdagan sa arawang sahod habang sa Kamara ay nasa 150 hanggang 700 pesos ang mga panukalang umento sa suweldo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)