Manila, Philippines – Nagkaroon na nga ba ng change of heart si Ai Ai de las Alas patungkol sa green card ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan?
Matatandaang nilinaw ni Ai Ai sa kanyang November 11 guesting sa Fast Talk with Boy Abunda last year na wala siyang planong ipa-revoke ‘yon.
Aniya, tulong na lang daw niya ‘yon kahit inuudyukan siya ng mga netizens to give Gerald the dose of his own medicine.
But this was last year.
Things have changed now.
Of late, may post ang Comedy Queen kung saan she got wind na bumibili na raw ng singsing si Gerald para sa kanyang bagong love.
“Si Cheater, magbibigay daw ng singsing…bakit, annuled na ba sila ng wifey (referring to herself)? Hindi pa!” post niya.
Nagbiro pa si Ai Ai na pagkakasyahin daw niya sa leeg ni Gerald ang singsing na ‘yon.
Samantala, sa February 14 ay nakatakdang bumiyahe pa-US ang komedyana to fix her citizenship.
Kung sa San Francisco ang destinasyon niya, malaki ang posibilidad na magkita sila doon ni Gerald.
Pero saglit lang daw si Ai Ai sa US dahil sa kanyang mga commitments dito. Ronnie Carrasco III