MANILA, Philippines – Kasunod ng kanyang pagbisita sa Muntinlupa City kung saan tinulungan niya ang mga biktima ng sunog, personal ding dinalaw ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagrerekober na nasunugan sa Parañaque City upang tulungan sila na muling makabangon.
Nagtipon-tipon ang 296 nasunugan sa Parañaque City Sports Complex, kung saan namahagi ang senador at ang kanyang Malasakit Team ng mahahalagang tulong, kagaya ng grocery packs, makakain, bitamina, bola ng basketball at volleyball, at kamiseta.
May ilan na nakatanggap ng mga mobile phone, sapatos, bisikleta, at relo.
Sinamantala rin ni Go ang pagkakataon na kilalanin ang pagsusumikap ng mga lokal na opisyal sa pagtugon sa krisis, kinabibilangan nina Mayor Eric Olivarez, Vice Mayor Joan Villafuerte, mga konsehal ng lungsod at mga opisyal ng barangay.
Sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA), na patuloy na sinusuportahan ni Go, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal upang tulungan silang muling itayo ang kanilang mga tahanan pagkatapos ng mapanirang sunog.
“Ang EHAP ay isang malaking tulong para sa mga kababayan nating nawalan ng tirahan. Sa tulong ng programang ito, maaari kang makabili ng yero, pako, kahoy, at iba pang pangunahing materyales para makapag-umpisa muli,” ayon sa senador.







