Home NATIONWIDE Bank records ipapa-subpoena ng House prosecutor sa pagsisimula ng impeachment trial

Bank records ipapa-subpoena ng House prosecutor sa pagsisimula ng impeachment trial

MANILA, Philippines – Ihahanda ng House prosecutors ang request para sa pagsubpoena ng bank records sa oras na masimulan na ang impeachment trial sa Senado.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, isa sa miyembro ng House prosecution team, na kabilang sa legal options na kanilang inihahanda ay pagkuha ng financial records na magagamit sa articles sa impeachment.

Inamin ni Chua na ang paghahanda ay kanila nang ginagawa matapos na rin ang anunsyo.ng Senado na magcoconvene ang Impeachment Court sa Hunyo 2.

“The impeachment process allows us to complete the evidence to support our case, and that includes subpoenaing financial records if necessary through the Senate impeachment court,” ani Chua.

“The Bank Secrecy Law provides an exception for impeachment cases, and we intend to use all legal means to secure relevant documents, in addition to the evidence already present, that will aid in the trial,” paliwanag pa nito.

Bagamat nakarecess ang Kongreso at magaganap ang eleksyon sa Mayo, sinabi ni Chua na sa panig ng prosecution team ay kumikilos na ito at naghahanda para sa impeachment trial. Gail Mendoza