Home NATIONWIDE 0 o 1 bagyo inaasahan sa Abril 2025

0 o 1 bagyo inaasahan sa Abril 2025

197
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA na wala o isa lamang na bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Abril.

Sinabi ni PAGASA assistant weather services chief Chris Perez na bagaman walang bagyong inaasahan ngayong Marso, hindi pa rin inaalis ang posibilidad sa mga susunod na buwan.

Matapos ideklara ang panahon ng tag-init, asahan ang mas mainit na temperatura, ngunit posible pa rin ang panaka-nakang thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, maaaring pumasok ang isa hanggang dalawang bagyo kada buwan sa Mayo at Hunyo, habang inaasahang dalawa hanggang tatlong bagyo kada buwan mula Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, ang low-pressure area (LPA) na namataan 220 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ay maliit ang tsansang maging bagyo sa susunod na 24 oras, ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here