Home NATIONWIDE Pinoy recruiter ng Myanmar scam farms arestado matapos magpanggap na nabiktima

Pinoy recruiter ng Myanmar scam farms arestado matapos magpanggap na nabiktima

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang Filipino recruiter matapos magpanggap bilang biktima sa 12 repatriated Filipinos na nailigtas mula sa scam farms sa Myanmar, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang suspek ay nagpapanggap lamang bilang distressed worker ngunit siya pala ang nagre-recruit ng mga biktima.

Naakit ang mga biktima sa Facebook, inalok ng trabaho bilang customer sales representatives, ngunit kalaunan ay pinilit gumawa ng online scams at nakaranas ng pangaabuso at pagpapahirap.

Iniimbestigahan ngayon ang isa pang pinaghihinalaang recruiter mula sa 176 bagong repatriates.

Nakikipagtulungan ang DMW at DOJ upang mangalap ng ebidensya laban sa iba pang sangkot sa illegal recruitment.

Samantala, pitong tauhan ng Bureau of Immigration ang sinibak dahil sa kanilang posibleng koneksyon sa iligal na pagpapalabas ng mga biktima. RNT