Home ENTERTAINMENT Ivana, umayuda sa ikinulong na lolo!

Ivana, umayuda sa ikinulong na lolo!

2
0

Manila, Philippines – Huwag nang si Ivana Alawi ang magbida sa kanyang act of kindness, let the lolo from Cebu City do all the talking.

Ivana wasted no time as she flew to the Queen City of the South para malaman ang whereabouts ng isang lolo.

Siyempre, para mag-abot na din ng tulong.

Sa latest vlog ni Ivana, tampok ang kuwento ni Ireneo Selma Vidal Jr., edad 68.

Nakarating kasi sa kaalaman ng actress-vlogger ang kuwento as relayed by her mom Fatima.

Mismong si Mommy Fatima told Ivana to extend help to the elderly.

Takang-taka si Ivana kung bakit ganoon ang sinapit ni Mang Ireneo.

Inaresto’t ikinulong kasi ito gayong wala namang ginagawa, hindi naman nagnakaw.

Naikumpara tuloy ni Ivana ang mga korap at magnanakaw sa gobyerno–ang mga ito daw ang dapat ikulong!

Bad trip ang aktres na mahirap pa ang inaabuso’t walang proteksyon sa batas.

“Dahil ba mahirap?” naghihimutok niyang sabi.

Ang ending–sinamahan ni Ivana si Lolo Junior sa grocery karay ang dalawang apo.

Ipinamili niya ito ng damit, sapatos, laruan at school supplies.

Bukod dito’y may ayuda din si Ivana sa itatayong sari-sari store ng matanda.

Touched! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here