Home NATIONWIDE SC pinahihigpitan seguridad ng mga hukom kasunod ng Basilan judge slay

SC pinahihigpitan seguridad ng mga hukom kasunod ng Basilan judge slay

1
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Inatasan ng Supreme Court (SC) ang mga deputy marshal na suriin ang mga posibleng banta sa seguridad ng mga hukom at korte sa kanilang nasasakupan kasunod ng pagpatay kay Basilan Regional Trial Court Judge Joseph Wee Sit.

Sa pahayag, sinabi ng Korte Suprema na kailangang agad iulat ang anumang seryosong banta upang makapagsagawa ng kaukulang hakbang para sa proteksyon ng mga tauhan ng hudikatura.

Nakikipag-ugnayan din ang Office of the Judiciary Marshals (OJM) sa mga awtoridad upang matiyak ang seguridad ng pamilya ni Wee Sit at mapalakas ang proteksyon sa Regional Trial Court Branch 2 sa Isabela City, Basilan.

Nauna nang nagtungo sa Zamboanga City ang mga tauhan ng OJM upang tumulong sa pangangalap ng impormasyon at imbestigasyon sa pagpatay sa hukom noong Nobyembre 12.

Samantala, mayroon nang reklamong murder na inihain sa Zamboanga City Prosecutor’s Office laban sa isang natukoy na gunman at dalawa pang hindi nakikilalang kasabwat.

Ayon sa mga awtoridad, mayroon ding nakabinbing warrant of arrest laban sa natukoy na suspek na mismong si Wee Sit ang nagpalabas.

Gayunman, hindi pa kinukumpirma kung may kaugnayan ang naturang warrant sa motibo ng pagpatay.

Bumuo na ang Philippine National Police ng Special Investigation Task Group upang tukuyin at maaresto ang mga responsable sa krimen.

Nanawagan ang Korte Suprema ng mabilis, masusi at patas na imbestigasyon, habang tiniyak na patuloy nitong babantayan ang kaso.

Binigyang-diin ng SC na hindi dapat maging hadlang ang karahasan at pananakot sa malaya at patas na pagtupad ng hudikatura sa mga tungkulin nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here