Home NATIONWIDE P373.6M Grand Lotto jackpot, ‘di pa rin napapanalunan

P373.6M Grand Lotto jackpot, ‘di pa rin napapanalunan

4
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring nakasungkit ng ₱373,622,097.49 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 16.

Batay sa opisyal na resulta ng PCSO, ang lumabas na winning combination ay 11-43-32-26-52-09, ngunit walang bettor na nakakuha ng lahat ng anim na numero.

Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱22,331,155.54.

Ang winning combination sa nasabing draw ay 13-22-41-43-26-45.

Samantala, pitong bettor naman ang nanalo sa 4D Lotto matapos tumama sa kombinasyong 7-4-9-3, na may tig-₱152,946 na premyo.

Patuloy na tataas ang jackpot prizes ng Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa mga susunod na draw hangga’t walang makakakuha ng winning combinations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here