Home METRO Dentista, guro itinumba sa AbraMETRONATIONWIDETOP STORIES Dentista, guro itinumba sa AbraMarch 27, 2025 12:29 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok ABRA- Patay ang isang dentista at isang guro matapos silang pagbabarilin sa isang kainan sa Zone 6, Bangued ng lalawigang ito kahapon, Marso 26.Kinilala ang mga biktina na sina Dr. Francisco Beleno Beria Jr., isang dentista at si Odilon Peru Peria, isang high school teacher.Nakaupo si Peria malapit sa bakod ng naturang kainan kasama ang isa pang guro samantalang nakaupo naman si Dr. Beria doon sa katapat nilang table.Biglang lumapit ang suspek na nakahelmet kay Peria at sunod-sunod nitong pinagbabaril ang biktima.Tinamaan din sa naturang pamamaril si Dr. Beria na agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo na tinamo nito.Dead on arrival naman sa ospital si Peria dahil sa mga tinamo nitong gunshot wounds.Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek.Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando Gamoso