
NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang 42 lovely candidates ng Ginoo at Binibining Malabon 2025 sa Tambobong Festival Float Parade nitong Huwebes bilang bahagi ng pagsisimulan ng pagdiriwang ng lungsod ng ika-426 na Pagkatatag at Ika-24 Anibersaryo ng Lungsod.
“Ating sinimulan ang pagdiriwang ng Tambobong Festival bilang paalala sa ating mga Malabueno sa ating mayamang kasaysayan, tradisyon, at kultura. Nakasama natin ang mga kandidato ng Ginoo at Binibining Malabon mula sa 21 na barangay sa lungsod. Sila ay mga modelo o ehemplo para sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang galing, talino, at talento. Ating ipagmalaki ang ating lungsod at ang ating pagiging Malabueno na may pagkakaisa, kagandahang loob tungo sa tunay na pag-unlad,” ani Mayor Sandoval.
Ang float parade ay bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 426th Founding Anniversary ng Malabon (Mayo 21) at 24th Charter Day (Abril 21).
Itinampok nito ang 20 detalyadong dinisenyo na mga float na nagdiriwang ng mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Malabon kung saan ipinakikita dito ang pagkamalikhain at pagmamalaki ng komunidad, sabi ng CTCAO.