Home SPORTS Alex Eala pinarangalan ng PH envoy

Alex Eala pinarangalan ng PH envoy

247
0

GINAWARAN ng Premios Tanglaw trophy si Filipina tennis star Alex Eala matapos bumisita kay Philippine Ambassador to Spain Philippe Lhuillier.

Ang Premios Tanglaw ay ibinibigay bilang pagkilala sa mga Pilipino at Espanyol na nag-ambag ng malaki sa pagpapalalim ng ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon kay Lhuillier, bukod kay Eala ay kinilala rin sa nasabing seremonya noong nakaraang taon sina Isabel Preysler, ang yumaong Senador Ed Angara, at 12 pang iba.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Eala, na kasalukuyang nasa ika-72 pwesto ng WTA rankings, sa natanggap niyang pagkilala.

Matatandaang katatapos lamang ng kampanya ni Eala sa 2025 Madrid Open, kung saan umabot siya sa ikalawang round at muntik nang makuha ang panalo kontra world No. 2 at defending champion na si Iga Swiatek, sa isang laban na umabot ng tatlong sets. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here