Home NATIONWIDE PISTON muling nagprotesta vs PUV consolidation

PISTON muling nagprotesta vs PUV consolidation

179
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng kilos-protesta ang transport group na PISTON sa harap ng opisina ng transportation secretary nitong Martes upang tutulan ang bagong kautusang muling buksan ang konsolidasyon ng Public Utility Vehicles, isang hakbang sa modernization program ng pamahalaan at kalaunan ay phaseout ng mga jeep.

Inilahad ni Mody Floranda, PISTON president, ang pagkadismaya sa bagong direktiba, taliwas aniya sa naunang pagtitiyak mula kay Transportation Secretary Vince Dizon na sinabihan umano silang papayagang i-renew ang kanilang prangkisa at muling makabiyahe.

“Kaya nagulat tayo dito sa panibagong inilabas nilang order, na kung saan ay binuksan lamang niya ang sapi ng modernisasyon,” giit ni Floranda.

Tutol ang PISTON at iba pang grupo sa franchise consolidation dahil hindi na ang mga indibidwal na operator ang magmamay-ari ng kanilang PUV units. 

Ani Floranda, sa bagong kautusan ay agresibong itinutulak ang modernization program at nililimitahan ang kanilang operasyon.

Sa ilalim ng kautusan, ang unconsolidated jeepneys ay papayagang sumali sa umiiral na mga kooperatiba sa mga rutang may 60 porsyentong consolidation rate. 

Sa mga lugar na may mas mababang consolidation rates, papayagan silang bumuo ng panibagong kooperatiba.

“Ang hinihingi natin ay muling payagan at ibalik sa limang taon ang ating prangkisa. ‘Yun ang inasahan natin sa kanya noong tayo’y nakipagtalastasan,” giit ni Floranda. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here