Home NATIONWIDE US, inanunsyo dagdag-pondo para pabilisin AFP modernization

US, inanunsyo dagdag-pondo para pabilisin AFP modernization

1
0

CEBU – Magdaragdag ng pondo ang United States para sa security cooperation sa Pilipinas upang mapabilis ang modernization ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay US Secretary of War Pete Hegseth.

Inanunsyo ni Hegseth ang dagdag na suporta kasunod ng pakikipagpulong niya kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Cebu nitong Miyerkules. Hindi naman tinukoy ng US Department of War kung magkano ang karagdagang pondo.

Ayon sa US readout, layunin ng dagdag na pondo na mapabilis ang AFP modernization at mapahusay ang interoperability ng militar ng dalawang bansa sa kahabaan ng First Island Chain.

Tinalakay rin nina Hegseth at Teodoro ang progreso sa security cooperation, modernization ng alliance at iba pang defense initiatives ng Pilipinas at US.

Nagkasundo rin silang magsagawa ng alliance command and control modernization sprint upang mapahusay ang real-time coordination ng dalawang bansa at mapatatag ang kanilang defense cooperation.

Kasabay nito, binigyang-diin ng dalawang opisyal ang progreso sa paggamit at pagpapaunlad ng mga lokasyon sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kabilang ang investments sa critical infrastructure at storage facilities sa Pilipinas.

Nasa Cebu si Hegseth para sa 20th ASEAN Defense Ministers’ Meeting at 13th ADMM-Plus na ginanap Oktubre 28 at 29. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here