Home NATIONWIDE PNP nangako ng hustisya sa napatay na pulis sa pamamaril sa Pangasinan

PNP nangako ng hustisya sa napatay na pulis sa pamamaril sa Pangasinan

249
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Ilocos Police Regional Office (PRO1) nitong Lunes, Mayo 12 ang pagpatay sa pulis mula sa Sta. Maria, Pangasinan kasabay ng pangako na makakamit agad ang hustisya ng nasawing pulis at lahat ng mga biktimang sangkot sa insidente.

Si Police Staff Sergeant Dennis Jali Oria, 33, na nakatalaga sa Tayug Municipal Police Station, ay napatay gabi bago ang Halalan habang rumiresponde sa tensyon sa pagitan ng dalawang grupo sa Barangay Samon.

Umabot sa barilan ang komosyon na nagresulta sa pagkasawi ni Oria at ng dalawang hindi pa tukoy na lalaki.

β€œI want to assure the public that the Philippine National Police is fully committed to bringing the perpetrators of this heinous crime to justice,” pahayag ni PRO 1 director Brig. Gen. Lou Evangelista.

Ipinag-utos na ang agarang imbestigasyon sa insidente at mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa insidente.

Nakiramay din si Evangelista sa pamilya ni Oria.

β€œHe died serving his community. His courage and dedication will never be forgotten,” aniya, sabay sabing ibibigay nito ang buong suporta sa mga mahal sa buhay ni Oria.

Naaresto na ang tatlong suspek edad 49, 51, at 52.

Narekober ng pulisya ang apat na armas at sasakay na ginamit sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here