Home NATIONWIDE Comelec may tugon sa hirit na manual recount ni Quiboloy

Comelec may tugon sa hirit na manual recount ni Quiboloy

145
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules na ang tanging paraan para magkaroon ng manual recount ng mga boto sa Eleksyon 2025 ay sa pamamagitan ng paghahain ng election protest.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, posible lamang ang manual recount sa dalawang pagkakataon: kapag may Random Manual Audit (RMA) o kapag may isinampang election protest.

Paliwanag niya, kailangang maglatag ng ebidensya ang naghahain ng protesta at tukuyin ang mga “pilot precincts” kung saan umano may iregularidad. Kapag hindi napatunayan ang reklamo sa mga precinct na ito, maaaring ibasura ang protesta.

Nanawagan si Quiboloy ng manual recount dahil sa umano’y mga anomalya gaya ng overvoting at problema sa pagbasa ng balota. Sa pinakahuling partial unofficial tally, pumuwesto siya sa ika-31 sa 66 na kandidato sa pagkasenador. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here