MANILA, Philippines – NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na nagsususog sa “Motorcycle Crime Prevention Act,” nire-require ang bagong may-ari na ilipat ang motorcycle ownership sa loob ng 20 working days.
Pinirmahan noong May 9, kapansin-pansing na inamiyendahan ng bagong batas ang Seksyon 4, binabawasan ang mga multa para sa ilang paglabag, layunin na pagbutihin ang pagsunod habang pino-promote ang responsableng motorcycle ownership.
Ipinag-utos ng R. A. 11235 sa mga motorcycle owners na iparehistro ang kanilang motorsiklo sa Land Transportation Office (LTO) sa loob ng limang araw ng pagkuha ng pagmamay-ari.
Binago rin ang parusa at multa para sa mga dealer, original owner, o sa bagong nagmamay-ari kapag nabigo ang mga ito na sumunod sa bagong batas.
Mula sa parusa na pagkabilanggo o multa na hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi hihigit sa P50,000, o pareho, sa pamamagitan ng bagong batas mababawasan ang multang hindi hihigit sa P5,000.
Walang magaganap na pagsamsam base lamang sa non-compliance sa hinihingi ng batas.
Ipinag-utos din ng R. A. 11235 sa mga dealers na i- report ang lahat ng motorsiklo na naremata sa LTO at magsumite ng annual status report ng mga narematang units na nasa ilalim ng kanilang kustodiya.
Sa kabilang dako, nire-require naman na ngayon ng Seksyon 5 ang mga motorsiklo na magkaroon ng mas malaki, nababasa at color-coded number plates.
Ang mga driver na walang number plates ay mahaharap ngayon sa binawasang multa na P5,000, sa halip na sa orihinal na P50,000–P100,000 o pagkakabilanggo.
Sinasabi pa rin sa batas na walang pagsamsam na magaganap kung magpi-presenta ang may-ari ng proof of registration at walang kasalanan sa nawawala o unreadable plate.
“Section 11 lowers the penalty for failing to report lost number plates from up to P50,000 to a flat fine of P5,000. Meanwhile, Section 12 penalizes tampering or misuse of plates with 6 months to 2 years imprisonment, a fine up to PhP10,000, or both,” ayon sa ulat.
Katulad na parusa at multa ang ipapataw naman sa mga taong may alam sa pagbebenta at pagbili ng “erased, tampered, altered, forged, o imitated number plate o readable number plate.” Kris Jose