Home NATIONWIDE Oral argument sa kinukwestyon na 2025 GAA, iniusog ulit ng SC

Oral argument sa kinukwestyon na 2025 GAA, iniusog ulit ng SC

107
0

MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Supreme Court ang Motion for Consolidation and Resetting of Oral Arguments na may na inihain ng Office of the Solicitor General kaugnay ng petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality ng Republic Act No. 12116 o ang 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sa petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality ng GAA na inihain ni Victor D. Rodriguez at iba pa, sinabi nila na nabigo ang GAA na magbigay ng mandatoryong pondo para sa PhilHealth.

Labag din umano sa batas ang pagtaas ng mga inilaang pondo na lampas sa iminungkahing badyet ng Pangulo, ang pag-una sa paggasta sa imprastraktura kaysa sa edukasyon, at ang pagsama ng mga blangko sa Bicameral Committee Report.

Batay sa SC En Banc resolution, maaaring itakda sa May 27, 2025 ang oral argument o sa ibang petsa na mapapagkasunduan ng lahat. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here