Sinamahan ni Senador Grace Poe ang kanyang anak na si Brian Poe Llamanzares sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy bilang isa sa mga kinatawan ng Panday Bayanihan Partylist. CESAR MORALES
MANILA, Philippines- Idinepensa ng unang nominado ng Pagtibayin at Palaguin ang pangkabuhayang Pilipino (4Ps) party-list at FPJ Panday Bayanihan party-list ang pangalan ng kanilang grupo sa gitna ng plano ng Commission on Elections (Comelec) na pagbawalan ang paggamit ng ayuda at pamagat ng palabas sa telebisyon sa susunod na halalan.
Sa isang pahayag sa proklamasyon ng mga nanalong party-list, sinabi ni Representative-elect Brian Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan, na nasa poll commission ang desisyon sa usapin.
Ngunit ipinaliwanag niya na ang FPJ sa kanilang partylist groups ay kumatawan sa “food, progress and justice.”
Ayon kay Llamanzares, Comelec na ang magdedesisyon at ang mahalaga lamang ay patuloy na kakatawanin ng partylist ang marginalzied at iba’t ibang grupo.
Ang FPJ ay inisyal ng tanyag na aktor na si Fernando Poe Jr. kung saan isa sa kanyang naging television series ang “Panday.”
Si FPJ din ang adoptive father ni outgoing Senator Grace Poe na ina naman ni Llamanzares.
Ang FPJ Panday Bayanihan ay nakuha ang 15th rank sa katatapos lamang na 2025 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden