Home ENTERTAINMENT Candy, nag-bday sa ospital!

Candy, nag-bday sa ospital!

145
0

Manila, Philippines- Wala na yatang mas lulungkot pa kundi ang ipagdiwang mo ang iyong kaarawan sa ospital.

Ganito ang naging kalagayan ni Candy Pangilinan na sa halip i-enjoy at i-celebrate ang kanyang 53rd birthday ay nakaratay siya sa isang undisclosed hospital.

The comedienne had to be operated on sa kanyang gall bladder.

Tinanggalan din siya ng mga gall stones.

Aniya, hindi naman daw niya itinaong birthday niya pero available lang daw ang doktor niya nu’ng mga petsa na ‘yon.

Besides, hindi na rin daw niya matiis ang sakit dulot nito.

Partikular na iniinda ni Candy ay ang kanang bahagi ng kanyang katawan lalo na raw sa bandang tadyang.

Umaabot daw kasi ang kirot hanggang likod niya.

Siyempre, her son Quentin was around to take care of her.

Nasa mini-vlog din ni Candy ang kanyang best friend na si Gelli de Belen who greeted her happy birthday.

Halatang in-enjoy naman ni Candy ang kanyang confinement dahil kahit paano’y “Na-destress ako.

“Ang haba ng tulog ko!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here