Home ENTERTAINMENT Bong, mag-aalaga muna ng mga apo!

Bong, mag-aalaga muna ng mga apo!

107
0

Manila, Philippines- Nasa kanilang farm si outgoing Senator Bong Revilla nang i-video niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang mga supporters.

Ito’y sa kabila ng pagkatalo ng aktor-pulitiko sa eleksyon nitong May 12.

Ika-14 ang puwesto ni Bong, na naungusan pa ni Ben Tulfo.

Despite his ranking, wala raw kinikimkim na sama ng loob si Bong.

Sa katunayan, kinongratyuleyt pa niya ang labindalawang senador na pinalad.

Makailang beses ding iginiit ni Bong na tama na ang “gibaan” sa pulitika.

Sa halip ay magtulung-tulong na lang para sa ikauunlad ng bayan.

So, ngayong wala muna sa political arena si Bong, how does he intend to spend his time?

Aniya, mas lalo raw niyang pag-uukulan ng panahon ang kanyang pamilya.

Magpapahinga rin daw siya.

Sasamantalahin na rin ni Bong na alagaan ang kanyang mga apo.

Tiyak ding mas magkakaroon ng time si Bong to give way to his pressing showbiz commitments, isa na nga rito ang sequel ng teleserye nila ni Beauty Gonzales. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here