Home NATIONWIDE 100 nasagip sa matinding baha sa Maguindanao

100 nasagip sa matinding baha sa Maguindanao

158
0

MANILA, Philippines – Nalubog sa baha ang 98 barangay sa Maguindanao del Sur, dahilan para ilikas ang nasa 38,689 pamilya o 192,000 indibidwal.

Isinagawa rin ang pagsagip sa 100 istranded na residente sa baha na umabot sa hanggang bewang ang taas, sa Datu Anggal Midtimbang makaraang umapaw ang Brar River.

“Some areas show only house roofs,” sinabi ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua.

Wala namang nasawi sa rehiyon dahil sa pagbaha.

Samantala, dalawa naman ang nasawi sa baha na tumama sa Koronadal City.

Kinilala ang mga nasawi na sina teacher Jessa Mae Huesca, 24, at delivery rider na si Christian Pederiso, 28 na inanod habang tumatawid sa Cacub River.

Nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa Central Mindanao ang intertropical convergence zone mula noong Lunes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here