MANILA, Philippines – Umabot sa 1.3 milyon mula sa 57 milyong botante ang nag-overvote sa katatapos lamang na midterm elections ayon kay Comelec Chairman George Garcia nitong Miyekules, Mayo 21.
Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos magduda ang dating Comelec commissioner Rowena Guanon sa napaulat na bilang ng overvoting.
Binanggit din ng pito sa sampung senatorial candidates ng dating pangulong Rodrigo Duterte na natalo sa senatorial elections ang isyu ng overvote na isa sa dahilan para sa manual recount ng resulta.
Biannggit ni Guanzon, na ang datos mula sa poll watchdog National Citizens Movement for Free Elections na ang overvote pra sa senators ay umabot sa 17,028,780 ngayong halalan.
Ngunit ipinaliwanag ni Garcia na ang 17 milyong overvote ay tumutukoy sa boto na hindi naibigay sa 12 senador, sino man sila.
Binaggit din ni Garcia na sa 2022 polls, halos 900,000 na botante ang nag-overvote.
Sinabi rin ni Garcia na wala pang isang milyong botante ang nag-overvote sa party-list groups. Jocelyn tabangcura-Domenden