Home HOME BANNER STORY Duterte bloc wala pang manok sa Senate presidency: Migs, Alan ikonokonsidera?

Duterte bloc wala pang manok sa Senate presidency: Migs, Alan ikonokonsidera?

154
0

MANILA, Philippines – Mistulang tinabla ng Duterte bloc si dating Senador Vicente Sotto III na magiging kapalit ni Senaate President Francis “Chiz” Escudero kapag nagkaroon ng rigodon sa Mataas na Kapulungan.

Pero, tila ikonokonsidera ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sina dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senador Alan Peter Cayetano bilang lider ng Mataas na Kapulungan dahil kapwa sila may kakayahan.

Ayon kay Dela Rosa, hindi pa nag-uusap ang kanilang bloke kung sino ang susuportahan sa Senate presidency.

“Hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa. Mag-uusap pa kami ‘yung bloc namin. Hindi pa nga kami magkapag-comeup ng final decision dahil naroon pa sa abroad si Senator [Robin] Padilla. Kaya hintayin namin [na] makabalik [siya] at mag-uusap kami,” ayon kay Dela Rosa.

Nagtungo si Padilla sa The Netherlands upang dalawin si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa International Criminal Court sa kasong crimes against humanity.

“Wala pa kaming final na napag-usapan,” Dela Rosa.

Bukod kay Dela Rosa, kabilang sa Duterte bloc sina Senador Bong Go, Padilla, Rodante Marcoleta at Imee Marcos.

Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi sila kumakalap ng miyembro sa Duterte bloc.

Ngunit, nang tanungin kung gusto nitong palitan si Escudero, sinabi ni Dela Rosa na wala pa itong sinasabi hinggil dito.

“Wala, wala, wala. So far, so good naman kami,” aniya.

Pero, aniya maaaring contender sina Zubiri at Alan Cayetano at hindi two-way race ang Senate presidency.

“I am sure meron pa iba d’yan na nag-aambisyon. Senator Alan Cayetano, pwede rin, hindi ba. Maraming posibilidad. Pwede rin si Migs Zubiri,” ani Dela Rosa.

Walang binanggit din si Dela Rosa kung kakampi si Cayetano sa Duterte bloc kahit naging kalihim ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) at katambal ng dating pangulo noong 2016.

“Nakita ko lang na qualified siya. Pwede siya mag-lead ng Senado. May kakayahan siya. Pwede siya maging SP. Nakikita ko lang ‘yung capability ng aming kasamahan sa Senado,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here