Home NATIONWIDE ‘Di nagbitiw sa tungkulin: OWWA exec sinibak sa pwesto sa anomalya –...

‘Di nagbitiw sa tungkulin: OWWA exec sinibak sa pwesto sa anomalya – Malakanyang

99
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bukod kay Arnell Ignacio na sinibak bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay sinibak din sa puwesto si OWWA deputy administrator Emma Sinclair dahil sa umano’y maanomalyang land acquisition deal na pinasok ng una.

Ito isiniwalat ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Ani Castro, sinibak sa puwesto si Sinclair dahil sa ‘loss of trust at confidence’ na may kaugnayan sa P1.4 billion land acquisition deal.

”Maliban po diyan, mayroon pa pong isa na makakasama, ang deputy [administrator] na si Emma Sinclair, pareho po silang tinanggal. Hindi po sila pinagresign,” ang sinabi ni Castro.

Kaya nga, dapat na magsilbi itong babala sa lahat ng public servants na hindi mangingimi ang Pangulo (Ferdinand Marcos Jr., na subakin sila sa puwesto kapag nabigong ganap na gampanan ang kanilang tungkulin sa publiko.

Nauna rito, ibinunyag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na hindi nagbitiw sa kaniyang puwesto si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio at sa halip ay tinanggal ito sa puwesto ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Cacdac na pumasok si Ignacio sa maanomalyang transaksyon gaya ng pagbili ng lupain ng nagkakahalaga ng P14-bilyon na hindi aprubado ng board ng OWWA.

Dagdag pa ni Cacdac na pinalitan si Ignacio dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng opisina dahl sa nasabing transaksyon.

Pinasok ang kasunduan noong Setyembre 2024 subalit taong 2023 pa ay nabilil na ang lupa at lumabas lamang ang deed of sale, absolute sale noong 2024.

Ipinarating na nito kay Pangulong Marcos kung saan inihahanda na nila ang nasabing kaso.

Magugunitang pinalitan ni Atty. Patricia Cuanan si Ignacio bilang bagong OWWA administrator. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here