Home HOME BANNER STORY Datu Piang, Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

Datu Piang, Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

278
0

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Datu Piang sa Maguindanao del Sur dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nasa 8,000 pamilya sa 16 barangay ang apektado ng pagbaha, ayon sa Datu Piang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Samantala, mahigit 1,000 pamilya naman ang tumutuloy sa mga evacuation center.

Nagpaabot na ng tulong ang Bangsamoro government at iba pang organisasyon sa mga apektadong residente sa lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here