Home NATIONWIDE Babaeng moto vlogger nakitaan ng dalawang paglabag ng LTO

Babaeng moto vlogger nakitaan ng dalawang paglabag ng LTO

178
0

MANILA, Philippines – Nakitaang guilty sa dalawang violation ang babaeng motorcycle rider na nag-viral kamakailan sa road rage incident sa Zambales, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, si Yanna motovlog ay pinagmulta ng P5,000 sa paggamit ng motorsiklo nang walang side mirror, at dagdag na P2,000 sa reckless driving.

“Her driver’s license was also suspended until such time that she complied with the order of the LTO to surrender the motorcycle she used during the viral road rage incident, which she admitted to be not hers,” pahayag ng LTO.

Sa pitong pahinang desisyon, sinabi ng LTO na ang mga paglabag ng Yanna Motovlog ay nakuhanan sa viral video na siya mismo ang nag-upload sa kanyang social media account.

Kabilang dito ang peligrosong pagmamaniobra nang mag-overtake ito sa isang pick up, maging ang kawalan ng side mirror sa motorsiklong kanyang ginagamit.

Naabswelto naman ang vlogger sa kanyang ikatlong kaso dahil hindi siya ang registered owner ng motorsiklo.

Humingi na ng tawad ang moto vlogger sa drayber ng pickup na kanyang nakasagutan, maging sa riding community dahil sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here