Bulacan – Patay ang mag-asawa at dalawa nilang anak na nasa kahimbingan nang pagtulog nang masunog ang kanilang bahay sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang mga kalunos-lunos na biktimang sina Lipo, Maris, at dalawa nilang anak, residente ng Alido Heights, Brgy. Bulihan.
Sa report ng Malolos police station, naganap ang insidente bandang 3:41 ng madaling araw nitong Mayo 21 sa nabanggit na lugar.
Ayon sa report, bandang 4:18 ng umaga ay tuluyang naapula ng mga rumespondeng tauhan ng Malolos Fire station ang sunog subalit tumambad sa kanila ang apat na biktimang wala nang buhay.
Nabatid din na isa pang anak na 15-anyos, kapwa residente sa lugar ang nasugatan sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog. Dick Mirasol III