MANILA, Philippines – Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga police commander sa Metro Manila na iniimbestigahan dahil sa posibleng paglabag at mga kakulangan sa kanilang mga nasasakupan, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kamakailan ay iniulat na nasa 14 lamang ito ngunit nadagdagan pa at naging 28.
Ang 28 police commanders ay may ranggong mula captain hanggang major, na nagmula sa limang istasyon ng pulis sa NCR.
Nag-ugat ang imbestigasyon sa atas ni NCRPO chief Police Major General Anthony Aberin ng surprise inspection sa lahat ng limang police districts sa Metro Manila noong Mayo 17 at 18.
Ayon sa NCRPO, nakita ang mga sumusunod na kakulangan at paglabag:
unmanned outposts and police assistance desks
abandoned posts
single postings in violation of deployment protocols
use of cellular phones while on duty, including playing games
lack of visible police presence in high-traffic public areas
“As of this hour, may positive po na siyam po na [officials] subject for relief. Hinihintay na lang po natin yung Comelec clearance po… The rest, maari pa pong madagdagan po yung mare-relieve based po doon sa outcome po ng investigation po,” sinabi ni Aberin.
Biniberipika pa ang mga paliwanag ng mga concerned police officials.
Ang mga mapatutunayang guilty sa mga paglabag at kapabayaan ay maaaring masibak sa kanilang mga pwesto kasunod ng due process ng batas.
“We must step up with our crime prevention and solution efforts. I expect police commanders to be present, aware, and accountable for their men. Discipline begins at the top,” pahayag ni Aberin.
“Let this serve as a warning and an example—complacency and failure of supervision will be met with the heaviest penalties. Discipline begins at the top, and accountability must be absolute,” dagdag niya.
Magsasagawa pa ang pulisya ng mas maraming surprise inspections upang masiguro na walang mga pulis ang nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.
“Sa ating mga kapulisan sa NCRPO, this serves as a warning… Sa pag-discharge po natin ng ating mga tungkulin, dapat maging professional po tayo. Palagi po tayong gumawa ng tama,” pagbabahagi ni Aberin. RNT/JGC