Home NATIONWIDE PhilFIDA nakikipag-usap sa BSP sa muling paggamit ng abaca sa polymer banknotes

PhilFIDA nakikipag-usap sa BSP sa muling paggamit ng abaca sa polymer banknotes

115
0

MANILA, Philippines – NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibalik ang abaca sa polymer banknotes sa bansa.

Sinabi ng BSP na ang kasalukuyang Philippine Polymer banknotes ay maaaring magtagal ng 7.5 taon, mas mahaba kaysa sa average na 1.5-taon na agwat ng paper banknotes dahil sa kanilang “smarter, cleaner, and stronger features’, pagiging resistant sa dumi, tubig at langis.

Sa ulat, sinabi ni PhilFIDA executive director Arnold Atienza na ipinahayag ng BSP ang interest nito sa ideya, na makatutulong na suportahan ang local abaca industry.

“We have talked with BSP and we are now working together para po ibalik ang abaca sa ating pera,” ani Atienza

“Ang unang naging usapan ay dapat ma-liquify ang abaca para maihalo sa polymer, and luckily PhilFIDA has the capacity to do it,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Atienza na mayroong overproduction ng abaca, na may 40,000 metric tons (MT) na ini-export sa ibang bansa.

Gayunman, ito ay 10% lamang ng 400,000 MT na dating volume o dami na maaaring i-export ng Pilipinas.

“As of March, the country logged 9,993.5 MT of total monthly baling of abaca, with 43,055 MT total volume in 2024,” ayon sa PhilFIDA.

Sa huli, binigyang diin ni Atienza na mahalaga na suportahan ang lokal na abaca farmers para tulungan na palakasin at panatilihin ang sektor.

“With or without budget, we have to move the soonest possible time dahil baka susunod na generation ay baka wala na tayong magsasaka dahil akala nila wala na tayong kikitai,” ang sinabi pa nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here