MANILA, Philippines – SINABI ng Council for the Welfare of Children (CWC), isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga mamamahayag ang binagong Guide for Media Practitioners sa Reporting and Coverage of Children sa DSWD.
Sa Media Forum sa DSWD, sinabi ni CWC Undersecretary Angelo Tapales na layunin ng patnubay na tulungan ang Media sa patas na pag-uulat ng mga nilalamang may kinalaman sa mga bata at sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga bata habang ginagamit ang kalayaan sa pamamahayag.
Kasama sa gabay ang mga praktikal na tip at mga tanong sa pagtatasa sa sarili batay sa limang pangunahing prinsipyo: pagtataguyod ng karapatan ng mga bata sa privacy; paggalang sa ahensya ng bata; paghikayat ng makabuluhang pakikilahok; pagtiyak ng marangal na pagtrato; at paghawak ng mga kwento nang may sensitivity.
Kaugnay nito sinasaklaw ng gabay ang parehong tradisyonal na media at mga bagong platform ng media; media practitioner, content creator, at social media personality pati na rin ang mga batang nangangailangan ng espesyal na proteksyon (CNSPs).
Ang Media Forum nitong Huwebes, na ipinalabas sa Facebook page ng DSWD, ay pinangunahan nina Special Assistant to the Secretary (SAS) for Communications Raymond Robert Burgos at Direktor Monica Shanye Ann Purugganan ng Public Relations Service . Santi Celario