Home NATIONWIDE Love scam hub sa Cebu ikinandado

Love scam hub sa Cebu ikinandado

116
0

MANILA, Philippines – Nilusob ng mga awtoridad ang isang opisina sa Cebu City na ginagamit umano bilang love scam hub.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang pulisya kasunod ng viral post ng isang content creator na nagpapakita ng mga video at recording ng mga empleyado na tumatarget ng mga dayuhan para sa scam.

Nang dumating ang raiding team ay wala na silang naabutang empleyado sa pasilidad. Ang nadatnan na lamang ng mga ito ay ang mga computer at gadget.

Nakikipag-ugnayan na si Cebu City Police chief Colonel Enrico Figueroa sa taong nagpapaupa sa naturang lugar.

“Aware daw po sila, and nireport daw po nila sa authority… ‘Yun ang iimbestigahan po natin, kung totoo po na nireport nila sa authority… dahil hihintayin po muna natin magbayaran bago maireport,” ani Figueroa.

“Love scam ang inaallege nga dito na yun ang kanilang activity, but on our investigation, sabi ng mga kapitbahay nila na nagdududa na sila umpisa palang dahil di nga daw siyang normal. Maingay daw dito sa loob,” dagdag pa.

Ipinoproseso na ang cyber warrant para imbestigahan ang mga inabandonang gadget.

Ipinadala rin ang show cause order sa building managers, maging sa umano’y manager ng scam hub.

“Nakuha na natin yung listahan ng lahat ng empleyadong nagtratrabaho dito, kaya sila ay binibigyan namin ng pagkakataon na linisin ang kanilang mga pangalan kung sila ay walang kinalaman,” ani Police Regional Office 7 Director Police Brigadier General Redrico Maranan.

Samantala, sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakakalarma ang insidente.

“I think in the video, what they caught was that they were scamming persons in South Africa. These are scam hubs. Apparently, they have a financier… That’s why I’m directly reaching out through your platforms, to these scam busters, na they can cooperate now with CICC and DICT and we can actively pursue these scam hubs and put a stop to them,” pahayag ni DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here