Home ENTERTAINMENT Showbiz, hirap maka-move on sa pagkatalo ni Bong at Luis!

Showbiz, hirap maka-move on sa pagkatalo ni Bong at Luis!

186
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay marami pa rin sa showbiz industry ang hindi maka-move on sa pagkatalo ni Bong Revilla bilang isa sa 12 senators nitong mid-term election.

Maski kami man ay hindi makapaniwala na

pang-labing apat lamang si dating Sen. Bong sa mga naglalaban.

In fairness, sa Tondo ay napakalakas ni Bong. Siya lang yata ang senador na personal na nag-ikot sa Tondo nu’ng kasagsagan ng kampanya.

Kaya siyempre nalungkot kami sampu ng aming pamilya sa nangyari, huh!

Isa rin sa ikinalungkot namin ay hindi rin naging matagumpay ang unang pagsabak ni Luis Manzano sa pulitika, huh!

Tumakbo si Luis bilang bise gobernador ng Batangas ka-tandem ng inang si Gov. Vilma Santos-Recto na walang katalo talo sa larangan ng pulitika.

Since unang sumabak sa pulitika as mayor ng Lipa at hanggang sa pagiging kongresista ay pinadapa ni Ate Vi ang lahat nang itinuring na mga pader na politician sa Batangas.

Incumbent governor ng Batangas ang nakatapat ni Luis at talaga na sinasabing gumawa ng paraan kung kaya over a slight margin ay natalo si Luis.

Pero may ibang planu ang nasa Itaas para sa asawa ni Jessy Mendiola, huh!

Masayang masaya naman kami dahil sa tinambakan nang husto ng nagbabalik sa Manila na si Yorme Isko Moreno.

Sobrang saya din namin dahil inspite sa sobrang pamumuwersa ng kalaban at sa hawak nilang kadatungan ay nagwagi at malaki ang kalamangan ng aming congressman na si Cong. Ernix Dionisio.

Tunay na hindi matatalo ang lakas ng mga Batang Tondo. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here