Home NATIONWIDE Mga kawani ng gobyerno na nagpositibo sa droga bigyan ng second chance...

Mga kawani ng gobyerno na nagpositibo sa droga bigyan ng second chance – SC

247
0

MANILA, Philippines -Dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon na sumailalim sa rehabilitation ang issng kawani ng gobyerno na nagpositibo sa ilegal na droga.

Idineklara ng Supreme Court (SC) na ang mga government employee na napatunayan na nagpositibo sa illegal drugs ay dapat bigyan ng pagkakataon pa.

“The SC ruled that government employees who test positive for illegal drug use must first be given a chance to undergo rehabilitation,” ani SC Spokesperson Camille Ting.

Dapat lamang sibakin ang kawani kapag tumanggi ito na makipagtulungan o mabigo na magbagong buhay.

“Drug use, and the resulting addiction or dependence, is not just a crime but a sickness that requires treatment,” dagdag ni Ting.

Ang desisyon ng SC ay kaugnay sa petisyon na inihain ni Muntinlupa City Office Engineer Carlito Salomon na umapela na mabaligtad ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na napatunayan siyang guilty sa grave misconduct matapos magpositibo sa droga sa pangalawang beses.

Pinagtibay ng SC ang desisyon ng CA ngunit sinuspinde nito ang mga parusa at iniutos na itesting muli si Salomon.

“If he tests negative, no treatment will be required, and the Civil Service Commission (CSC) may reassess the release of his benefits and his eligibility for future public service,” nakasaad sa desisyon.

Kung magpositibo naman, kailangan sumailalim si Salomon sa drug dependency examination at pumasok sa intervention program. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here