Isang 35-anyos na eksperto sa paggawa ng bomba mula sa grupong terorista na Dawlah Islamiya ang sumuko sa militar sa Maguindanao del Norte noong Mayo 22.
Isinuko niya ang isang Uzi submachine gun at isang 60mm improvised explosive device.
Ayon sa militar, napilitan ang suspek dahil sa pinaigting na operasyon at ang kagustuhang makapiling muli ang pamilya.
Pinuri ng mga opisyal ang hakbang bilang patunay na epektibo ang mga programang pangkapayapaan, at hinimok ang iba pang kasapi ng DI na sumuko na rin. Santi Celario