Home NATIONWIDE Ilang senador hinihikayat ako maging Senate president – Imee

Ilang senador hinihikayat ako maging Senate president – Imee

238
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Senador Imee Marcos na ilang kasamahan niya sa Senado ang humikayat sa kanya na tumakbo bilang Senate President sa ika-20 Kongreso.

Bagama’t hindi pa siya nagpapasya, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng reporma sa proseso ng badyet at sistema ng mga partidong politikal.

“Some senators have approached me with the proposal to be their candidate for Senate President,” anang senadora.

“Whoever will be elected by our peers, whether it is me or not, there are certain congressional reforms that need to be undertaken,” dagdag pa niya.

Tinuligsa niya ang tinatawag na “mahiwagang” bicam sessions at kinuwestiyon ang pahayag ng DBM na maaaring makialam si Pangulong Marcos sa proseso ng badyet matapos isumite ang National Expenditure Program—isang hakbang na tinawag niyang labag sa Konstitusyon.

Giit ni Marcos, dapat tiyakin ng Senado ang pagiging malaya nito at isulong ang mga batas na prayoridad ang seguridad sa pagkain, edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan.

Kabilang din sa mga pinag-uusapang kandidato sa pagka-Senate President sina Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect Vicente “Tito” Sotto III. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here