MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa pribadong sektor para mapabilis ang pagtatayo ng mas marami pang public school classrooms sa Ilocos Region.
Binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan na isulong ang public-private partnerships (PPPs) na madaliin ang konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan sa rehiyon sa panahon ng pagpupulong kasama ang Regional Development Council in Dagupan City, Pangasinan , araw ng Biyernes.
“President Marcos said that public infrastructure and development projects can be implemented faster and at lower government costs by entering into contracts with the private sector through PPP,” ang nakasaad naman sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).
“The Chief Executive said such arrangements should be used again to accelerate the construction of classrooms,” ang sinabi pa rin ng PCO.
Nauna rito, ipinanukala ng Department of Education (DepEd) ang konstruksyon ng halos 3,000 silid-aralan sa Ilocos Region mula 2025 hanggang 2030.
Kinilala naman ng Pangulo ang pagsisikap ng DepEd na palakasin ang ‘literacy rate’ sa Ilocos Region, tradisyonal na mas mataas kaysa sa pambansang average.
“I’m glad to see the intervention at DepEd, the construction of the classrooms. I think we need to accelerate that. I do not think we want to wait until 2030 for all of those classrooms,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang pagpupulong.
Sa ilalim ng budget plan nito para sa 2026, ipinanukala ng DepEd ang pagha-hire ng mas maraming school principals, administrative officers, school counselor associates at project development officers para sa rehiyon.
Pinupunan din ng DepEd ang mga bakanteng teaching positions sa rehiyon, habang isinasagawa ang taunanng paglikha at deployment ng teaching items. Kris Jose