Home ENTERTAINMENT Arnell, tukoy na ang nanghudas sa kanya!

Arnell, tukoy na ang nanghudas sa kanya!

219
0

Manila, Philippines – Former OWWA Administrator Arnell Ignacio failed to make it in the nick of time.

Ang tsika, sa kanyang pakikipag-usap sa llang members of the press early this year ay nabanggit niya sa mga ito ang planong magbitiw na sa puwesto.

Too much pressure ang idinahilan ng kilala ring TV host-actor.

Ito’y bukod pa raw sa intrigang ipinupukol sa nasabing ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Kaso, naunahan si Arnel na latagan ng termination papers.

To validate, iginiit ng MalacaƱang that Arnel didn’t tender his resignation kundi sinibak siya– bagay na ang sakit nga namang pakinggan.

Sabit umano siya at iba pa sa P1.4 billion land acquisition deal na hindi dumaan sa tamang proseso.

While holding on to his post, maraming ideya si Arnell para solusyunan ang mga problemang kinakaharap ng naturang ahensya.

If he had his way daw, maaari niyang i-adopt ang kanyang natutunan sa showbiz to simplify matters.

Kaso, sadya yatang maraming epal ang nasa ating paligid na nag-aabang ng mga maibubutas sa atin.

Hindi raw nalalayo doon ang kaso ni Arnel.

Ang masaklap, kung sino raw ang inakala niyang kaibigang worthy of his trust ang nanghudas sa kanya!

Take note, kilala raw ni Arnel ang taong ‘yon.

Bagama’t mabigat sa kanyang dibdib ang paratang sa kanya, Arnel is more than willing to cooperate in getting to the bottom of the issue para malinis din ang nabahiran niyang pangalan

Nagtataka pa ba si Arnell kung hindi lang sa gubat matatagpuan ang ahas?

They re everywhere! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here