Home HOME BANNER STORY EDSA rehab gugulong na sa Hunyo 13

EDSA rehab gugulong na sa Hunyo 13

114
0

MANILA, Philippines – Magsisimula ang paghahanda para sa rehabilitasyon ng EDSA sa gabi ng Hunyo 13, 2025, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Magsusunod ang mismong konstruksyon makalipas ang isang linggo, at inaasahang matatapos ang proyekto sa 2027.

Aayusin ang 200-kilometrong kalsada ng EDSA gamit ang mas matibay na konkreto at aspalto.

Uunahin ang bahagi ng Pasay hanggang Guadalupe dahil sa nalalapit na ASEAN Summit.

Mananatili ang EDSA Busway para sa mga commuter.

“Ang concept of the EDSA rebuild is we will change the pavement. Babaguhin natin ang pavement ng EDSA into a new pavement. In other words, bubungkalin natin ‘yung existing pavement sa EDSA, papalitan natin ng bagong pavement na matibay na pavement,” ani Public Works Secretary Manuel Bonoan sa isang press conference.

“We will adopt the latest technologies on concrete mix. On top of the concrete mix na gagawin natin, maglalagay tayo ng running surface na makapal kapal na asphalt para smooth ‘yung traffic natin,” aniya pa.

Bilang tugon sa inaasahang trapik, balak gawing libre ang toll sa Skyway Stage 3, magdadagdag ng 100 bus sa EDSA Busway, at magdaragdag ng tren sa MRT-3. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here