Home NATIONWIDE ₱15.8-B pekeng luxury items nasabat sa Divisoria

₱15.8-B pekeng luxury items nasabat sa Divisoria

138
0
BOC Photos

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit ₱15.8 bilyong halaga ng pekeng luxury items sa Divisoria noong Mayo 23.

Kabilang sa mahigit 1.7 milyong piraso ng pekeng produkto ang mga gamit na may tatak na Guess, Michael Kors, Coach, Louis Vuitton, at Tory Burch.

Pinangunahan ito ng BOC-CIIS-IPRD katuwang ang Guess Philippines.

Ayon sa legal counsel ng Guess, lumakas ang operasyon ng BOC sa ilalim ni Commissioner Bienvenido Rubio dahil sa paggamit ng teknolohiya at mas pinadaling proseso ng pagpapanagot sa mga sangkot.

Binalaan din ang publiko sa panganib ng paggamit ng pekeng produkto at ang epekto nito sa mga lehitimong negosyo.

Patuloy umanong magsasagawa ng operasyon ang BOC laban sa pekeng kalakal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here