MANILA, Philippines – Mahigit kalahati ng Filipino registered voters ang tutol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang kaso nito sa International Criminal Court sa kanyang kontrobersyal at madugong war on drugs.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia mula Mayo 6 hanggang 9, sa 1,200 respondents sa buong bansa, 99% ang nakarinig, nakabasa at nakapanood ng patungkol sa pag-aresto sa dating Pangulo.
Sa naturang bilang, 58% sa mga ito ang tutol sa pag-aresto (25% somewhat disagree, 33% strongly disagree) habang 26% ang pabor (10% strongly agree, 16% somewhat agree) dito.
Hindi naman masabi ng 16% kung sila ay tutol at pabor sa pag-aresto kay Duterte.
Ang survey ay mayroong overall error margin na ±2.8 percentage points. RNT/JGC